Ang Departamento ng Interyor at Pamahalaang Lokal Rehiyon Dose ( DILG XII) ay nagsagawa ng birtuwal na oryentasyon ukol sa Sustainable Development Goal – Family Actions for Children and their Environs ( SDG -FACES) na ginanap noong Agosto 9, 2021. Ito ay pinangunahan ng Local Government Capability Development Division (LGCDD) na pinamumunuan ni LGOO VI – OIC Division Chief, Jermie Erie- Yeager. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng labindalawang (12) pamahalaang lokal ( LGUs ) ng Rehiyon Dose. Layunin ng aktibidad na ito ay upang madagdagan ang kaalaman ng lahat ng miyembro ng local na FACES patungkol sa mekanismo ng pagpapatupad ng SDG FACES; matugunanan ang mga problemang tungkol sa FACES; at ang panghuli ay para sa wastong pagpapatupad ng mga aktibidades ng FACES sa bawat munisipyo ng rehiyon.
Binigyan diin ni Direktor Josephine Cabrido - Leysa CESO III sa kanyang pambungad na mensahe ang mga adhikain ng programa: wakasan ang kahirapan at gutom; burahin ang pang-aabuso sa kalikasan na siyang nagdudulot ng agarang pagbabago sa ating klima; at puksain ang hindi pantay pantay na pagtingin ng sinuman. Bilang panghuling mensahe ,inanyayahan niya ang lahat ng lumahok at maging aktibo sa ganitong programa upang maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng bawat mamayang Pilipino.
Kabilang sa mga tagapagsalita ay sina Ginoong John Lorenzo, LGTDD ng Local Government Academy (LGA) na nagbigay ng maikling pangkalahatang ideya at intrudaksyon ng SDG FACES at sinundan ito ni binibining Josephine Juanate, LGTDO ng LGA na nagpaliwanag ng SDG-FACES Implemetation at ang kahalagahan ng partisipasyon ng bawat LGU sa pag -abot ng mga layunin sa naturang programa. Pinangasiwaan naman ni LGOO V Jessilou L. Frugalidad ang workshop na aktibidad.
Ang orentasyong ito ay isa lamang sa marami pang pakikipag-ugnayan para sa programa. Ang mga proyekto ng SDG- FACES ay nilalayon na pagtibayin ang bawat pamilya at mga Pamahalaang Lokal bilang katuwang sa pagsasakatuparan ng Sustainable Development Goals.