Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na magpatupad ng mga programa na nagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian sa kanilang nasasakupan, sang-ayon sa Republic Act 9710 o ang Magna Carta of Women.
“As active agents of the government in promoting gender equality, our LGUs must ensure the localization of the Magna Carta of Women to ensure that women empowerment is recognized and mainstreamed in all sectors,” ani DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. sa 18th General Assembly ng Philippine Federation of Local Council of Women (PFLCW).
Kasamang dumalo ni Abalos sa PFLCW General Assembly kahapon sa Pasay City sina Vice President Sara Duterte-Carpio at Senator Imee Marcos.
Ayon sa Kalihim, patuloy ang pagpapatupad ng DILG ng iba’t ibang interbensyon upang masiguro ang pagprotekta sa karapatan ng mga kababaihan sa bansa.
Ibinida rin ni Abalos ang pilot run ng DILG GAD Seal Certification Program kung saan igagawad ang “GAD Seal” sa mga opisina ng Kagawaran na tumutupad sa mga layunin ng Magna Carta of Women at iba pang batas at polisiya sa pangangalaga ng karapatan ng kababaihan.
“This is intended to put a premium on the gender mainstreaming efforts implemented and adopted by the DILG regional offices making them gender-responsive. We want to transform the DILG into a GAD-Centered organization promoting gender equality and development with social inclusion, reflecting the Department’s commitment to creating a more equitable and inclusive society for all,” ani Abalos.
Dagdag pa niya: “Soon, we will roll out this program outside the DILG and will name local government units and other government offices that provide primacy to women’s rights.”
Binigyang diin din ni Abalos ang kahalagahan ng papel ng mga kababaihan sa pag-gamit ng digital technologies upang mas mapaunlad ang bansa at mapaganda ang serbisyo ng gobyerno. ###
Copyright © DILG Philippines https://bit.ly/3X563FL